“Night watch duty”, ipinatutupad sa mga barangay ng Laoac PNP

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ang “night watch duty” upang mapanatili ang payapa at tahimik na bayan ng Laoac, Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, inihayag ni PS/Insp. Samuel Reyes, Chief of Police ng Laoac PNP, ng pinangunguhan ito ng kapulisan katuwang ang lahat ng mga barangay officials.

Sa ilalim na superbisyon ng PNP at DILG ang naturang programa kung saan kailangan ang gabi-gabing pagduty ng mga barangay official ng dalawamput dalawang barangay ng Laoac.

Bukod naman sa night watch, ipinatutupad din ng Laoac PNP ang “kapihan sa barangay” na isinasagawa naman tuwing araw ng sabado at linggo kung saan nagkakaroon ng pagkakataon ang pnp na malaman ang sitwasyon sa bawat barangay.

Dengue cases sa Pangasinan, umabot na sa mahigit 600

Umabot na sa mahigit anim naraang dengue cases ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan sa unang bahagi palang ng taong 2018.

Batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO), nasa 631 na kaso ang dengue ang naitala habang dalawa rito ang naitalang nasawi.

Dahil dito mahigpit na binabantayan ng PHO ang top 5 areas sa lalawigan na may mataas na kaso ng dengue kabilang na rito ang Urdaneta City na mayroong 93, Binmaley na mayroong 43 cases, 40 naman ang naitala ng bayan ng Sta. Barbara, 37 sa Mangaldan at 31 dengue cases sa bayan ng Lingayen.

Payo naman ni Dr. Ana Marie de Guzman, Provincial Health Officer sa publiko na ugaliin ang paglilinis sa paligid, at itaub ang mga bagay na maaring pamugaran ng lamok.

Point system ranking, ipinatutupad sa 2018 R1AA

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) Region 1 na  ipinapatupad ang point system ranking sa region 1 Athletic Association  Meet (R1AA) 2018 na ginaganap sa lungsod ng Alaminos.

Sinabi ni Cesar Bucsit, Administrative Officer V ng DepEd Region 1, na kapag nasungkit ng isang manlalaro ang gold medal ay automatic na limang puntos ang kanyang maitatala.

Habang 3 point naman sa silver at isang puntos para sa makapagtatala ng bronze medal.

Nilinaw naman ni Bucsit na indibual o group man ng manlalaro gaya ng basketball at valleyball na mag-cachampion ay isang medal lang ang katumbas nito.

Samantala, target naman ng deped na matapos ang isinasagawang R1AA sa huwebes, pebrero a-kinsi kayat nakatututok ang lahat ng sports coodinator and manager sa mga sporting event.

Minor incident sa Bautista, hindi apektado ang pangkalahatang peace and order

Hindi nakaka-apekto sa pangkalahatang peace and order ang mangilan-ngailang insidente ng krimen na naitalala sa bayan ng Bautista, Pangasinan.

Ito ayon kay PS/Insp. Renato Gacad, Officer-in-Charge ng Bautsta PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sa kabuuhan ay nanatiling mapayapa at tahimik ang bayan.

Ayon kay Gacad, pawang mga minor incident ang natatala sa bayan gaya ng vihicular traffic accident at physical injuries na kinasasangkutan ng mga lasing sa lasangan.

Dahil patuloy naman umano ang ginagawang “Oplan Sita” sa kanilang regular na check point kung saan batay sa kanilang assissment karamihan sa mga nasasangkot sa aksidente ay mga motorista na walang lisensya.

Pananalasa ang army worm sa Bayambang, apektado na ang produsyon ng sibuyas

Aminado ang Municipal Agriculture Office ng bayan ng Bayambang, Pangasinan na malaki ang epekto sa suplay ng sibuyas ang pananalasa ang army worm o harabas.

Ayon kay Ricardo Dela Masa, Agriculture Technician ng Bayambang, nabawasan ng produksyon ng sibuyas na mula sa dating inaani na 13 metric tons ngayon ay aabot na lamang sa 7 metric tons.

Marami na rin umanong mga magsasaka ang nagsagawa ng forced harvest sa takot na mauwi sa pagkalugi ang kanilang mga pananim na sibuyas.

Dahil dito, bumaba na umano ang presyo ng pulang sibuyas na mabibili na sa P70 hanggang P80 ang kada kilo mula sa dating presyo nito na P120 ang kada kilo, habang ang nasa P50 ang kada kilo ng puting sibuyas mula sa dating presyo nito na P80 hanggang P100 ang kada kilo.

Pagtaas sa presyo ng delata, ramdam na sa pangasinan dahil sa TRAIN Law

Tumaas na sa piso hanggang dalawang piso ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lalalawigan ng Pangasinan gaya ng ilang mga delata.

Mula sa P14.00 mabibili na sa P15 ang kada peraso ng 155 gram na sardinas, P28.50 naman mula sa dating P27.50 ang 160 gram ng luncheon meat, habang nasa P16.50 mula sa dating P15.30 ang 150 gram na meat loaf,

Tumaas din ng presyo ng 300ml condensed milk na nasa P51.00 mula sa dating presyo nito na P49.00, habang nasa P37.00 mula sa dating P35.65 na 375ml na evaporated milk.

Ayon kay DTI Provincial Director Peter Mangabat ang paggalaw ng presyo ng bilihin ay dahil sa ipinatupad na Tax Reformation for Acceleration and Inclusion (Train) Law.

Resulta din umano ito sa pag-adjust ng Suggested Retail Prices (SRP) na tatlong taon ng hindi gumagalaw.

Bugalon, kabilang na sa drug-cleared municipality sa Pangasinan

Pang ika-labing pitong bayan na sa lalawigan ng Pangasinan ang bayan ng Bugalon sa idineklarang “Drug-Cleared Municipality”.

Mula ito sa labing pitong barangay na dumaan sa drug clearing ng PNP habang ang pitong barangay naman ay hindi affected ng ilegal drugs.

Nangako naman si Bugalon Mayor Jummel Espino, na paiigtingin pa nila ang livelihood program gaya ng pag-aaral sa TESDA upang mabigyan ang mga drug surrender ng hanap-buhay.

Sa ngayon kabilang na ang bayan ng Bugalon sa  naideklarang “Drug Free Municipality” gaya ng lungsod ng Alaminos, Sto Tomas, Alcala, Aguilar, Mapandan, Laoac, Dasol, Mabini, Bani, Agno, Natividad, Anda, San Nicolas, Bolinao, Binalonan, at Malasiqui.

Point system ranking, ipinatutupad sa nagpapatuloy na 2018 R1AA

Ipapatupad ang point system ranking sa nagpapatuloy na Region 1 Athletic Association  Meet (R1AA) 2018 na ginaganap sa lungsod ng Alaminos.

Ibig sabihin nito aalisin na ang overall ranking ng mga delagado mula sa ibat-ibang koponan sa rehiyon at ipapalit ang point system, tulad ng 5 points sa gold, 3 point sa silver at i point sa bronze.

Ayon kay Dr. Alma Ruby Torio, Regional Director ng DepEd, napagkasunduan ang R1AA Board ang lahat ng polisiyang ipinatutupad sa palaro gaya nalang aniya ng selection of athletes, proclamation of winner at point system.

Patuloy namang isinusulong ng DepEd ang pagkakaisa at pagbabago bilang tema ng 2018 R1AA kung saan malaki umano ang posibilidad na mabago ang buhay ng mga atleta kung mas malilinang ang kakayahan nito sa palarong pampalakasan.

Mahigit 100 ektaryang sakahan ng sibuyas sa Bayambang, apektado ng harabas

Umaabot na sa mahigit isandaang ektaryang sakahan ng sibuyas ang apektado na pananalasa ang army worm o harabas sa lalawigan ng Pangasinan.

Batay sa tala ng Municipal Agriculture Office ng Bayambang, apektado na ng harabas ang mga barangay ng Buenlag 2nd, Wawa, San Gabriel 1st, San Gabriel 2nd, Amancosiling Norte, Balaybuaya, Manambong Parte, Manambong Norte, at Manambong Sur.

Ayon kay Ricardo Dela Masa, Agriculture Technician ng Bayambang na mabilis kumalat ang kulisap dahil sumasama ito sa hangin kayat madaling lumipat sa ibang pananim.

Nabatid na mabilis matuyo ang dahon ng sibuyas dahil sinisipsip ito ng uod dahilan para hindi na sila lumaki at mamatay.

Pangasinan, wala pang naitatalang kaso ng rabies ngayong 2018

Wala pang-naitatalang kaso ng rabies sa lalawigan Pangasinan ngayong 2018 mula buwan ng enero hanggang ngayong Pebrero.

Ito ay batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO) kung saan noong 2016 ay nakapagtala ng 16 na kaso, habang noong 2017 ay nakapagtala naman ng 6 na kaso.

Nilinaw naman ni Rachelle Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO na meron naman naitalang kaso ng animal bite cases kayat hinihikayat ang publiko na magpabakuna sakaling nakagat ng aso, pusa at unggoy.

Samantala, kasama naman umano sa programa ng PHO ang pagkakapon sa mga alagang aso at pusa.