Film director na si Gil Portes, pumanaw na sa edad 71

Pumanaw na ang Award-Winning Director na si Gil Portes sa edad 71.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang asawa na si Telly at mga anak na sina Carlo at Justin.

Itinuturing na original indie director si Portes kung saan nakagawa ito ng mga award-winning na mga pelikula gaya ng “Saranggola”, “Gatas sa Dibdib ng Kaaway” at mga Munting Tinig.

Nakatrabaho niya ang ilang mga malalaking pangalan sa showbiz gaya nina DOLPHY sa pelikulang “Markova: Comfort Gay” at Nora Aunor sa pelikulang “Merika”.

James Bond 007’ actor Roger Moore pumanaw na

 Pumanaw na ang beteranong actor na si Roger Moore sa edad na 89.

    Ito ang kinumpirma ng kanyang mga anak na sina Deborah, Geoffrey Robert at Christian samantalang ito ay nasa Switzerland dahil sa pakikipaglaban na rin sa cancer.

    Isasagawa ang private funeral sa Monaco, ayon na rin sa pasya ng kanyang pamilya.

    Ipinanganak si Moore noong Oktubre 14, 1927 sa Stockwell, London.

    Nagkaroon ito ng apat na asawa.

    Si Moore ang pangatlong actor na gumanap sa pelikulang “James Bond” mula 1973 hanggang 1985, na naging patok ang pitong Bond movies gaya ng “Live and Let Die” at “The Spy Who Loved Me.”

    Mula noon ay madalang na siyang gumawa ng pelikula at nag-concentrate na lamang sa paggawa ng advertisements at sa pagkakaroon ng humanitarian work.

Taong 2015 ay pinangalanan siyang “Fifty Best Dressed British Men” ng GQ Magazine.

Sharon Cuneta balik-trabaho na matapos ang kontrobersiyal na bakasyon sa US

Balik-trabaho na si Megastar Sharon Cuneta.

 Ito ay matapos ang kontrobersiyal niyang bakasyon sa Estados Unidos, kamakailan.

 Nagsimula na si Sharon na mag-shoot para sa kanyang pagbabalik sa big screen.

 First time rin ni Mega na sumali sa Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.”

  Mariin namang pinabulaanan ng Megastar ang espekulasyong hiwalay na sila ng asawa nitong si Senador Kiko Pangilinan.

  Matatandaang naging kontrobersiyal ang biglaang paglipad ni Sharon sa US matapos na kumalat ang larawan ng asawang si Senador Kiko Pangilinan at Senadora Riza Hontiveros na magka-holding hands.

Joreen Bautista, handa na bilang ang next Kim ng Miss Saigon

Overwhleming and very grateful ang 17 year old na si Joreen Bautista after malagpasan ang lahat ng auditions at siya ang mapili bilang next Kim sa award winning musical na Miss Saigon!

Kwento ni Joreen, ang kahustuhan na magkaroon ng exposure at  maka-experience na kumanta kasama ang mga magagaling na directors ang nag udyok sa kaniya para subukan ang audition para sa nasabing role.

Sa 20 nag audition ay 1 siya sa nakatanggap ng call back at maswerteng napili sa last audition ng Miss Saigon.

Thrilled naman si Joreen nang makausap at kwentuhan niya ng personal si Lea Salonga na siyang naging unang Kim ng Miss Sagion sa UK.

Sabi ni Joreen ang biggest advice na nakuha niya from Lea ay ang magkaroon ng pag uusap sa kaniyang leading man to make agreements and set boundaries. Hindi pa raw kasi sanay ang dalaga sa mga intimate roles. During the audition, pinahanga ng dalaga ang mga judges sa pagkanta niya ng ‘Sun and Moon’ at ang heart-wrenching solo number ni Kim na ‘I’d Give My Life for You!’.Sa ngayon ay nasa UK na si Joreen para sa rehearsals.

Inasaahan naman na sa June 1 ay magsisimula na ang nasabing  muscial sa Curve Leicaster Theater.

Ang Miss Saigon ay isang makabagong adaptasyon ng operang Madama Butterfly (Madame Butterfly) ni Giacomo Puccini, na katulad na naglalahad ng salaysay ng isang walang patutunguhang pag-iibigan  isang babaeng asyanong nilisan ng kanyang amerikanong mangingibig.

Eugene Domingo ‘di pa ready magkaanak

Inamin ng 45-year old TV-host actress na si Eugene Domingo na hindi pa siya ready magkaanak.

    Aniya, pinag-iispan pa rin niya ang pagbubuntis at pagkakaroon ng sariling anak dahil para sa kaniya ay ‘big commitment’ ang pagiging isang ina.

    Sa ngayon ay mas gusto raw muna ni Uge na maglibot sa buong mundo kasama ang kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni.

Drake, Beyonce humakot ng parangal sa Billboard Music Awards

Humakot ng awards sa katatapos lamang na 2017 Billboard Music Awards sina Drake, Beyonce at ang Twenty One Pilots.

Labindalawang parangal ang naiuwi ng rapper na si Drake kabilang na ang big awards na “Top Artist” at “Top Male Artist.”

Pawang nakatanggap naman ng tiglilimang awards sina Beyonce at Twenty One Pilots kabilang na ang “Top Female Artist” para kay Beyonce at “Billboard Chart Achievement Award” ang Twenty One Pilots.

Star-studded ang naturang awarding na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Daniel Matsunaga, Arci Muñoz nagkakamabutihan na raw

Inamin ni Daniel Matsunaga na napalalapit na ang loob niya kay Arci Muñoz.

Magkasama ang dalawa sa programang “I Can Do That” sa ABS-CBN.

Pero paglilinaw ni Daniel, kahit na malapit sila sa isa’t isa ay magkaibigan pa lang sila ngayon ni Arci.

Una na ring sinabi ni Arci na bawal silang pumasok sa relasyon sa loob ng anim na buwan dahil kasama ito sa kanilang kontrata sa nasabing programa.

Uson sumagot sa patutsada ni Binibining Pilipinas-International Mariel de Leon

Sumagot na ang dancer-turned-blogger na si Mocha Uson sa patutsada sa kanya ni Binibining Pilipinas-International Mariel de Leon.

Sa Twitter post, nagpahayag ng ‘di pagsang-ayon si Mariel sa appointment ni Mocha bilang communication assistant secretary for social media ng gobyerno.

Pero tugon ni Mocha, pagbubutihin niya ang trabaho para sa bayan at para sa pinay beauty queen.

Una nang inulan ng bashers si Mariel dahil sa kanyang komento kay Mocha.

Samantala, palaisipan ngayon kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Maricar de Mesa.

Sa Instagram, proud na ipinakita ni Maricar ang kanyang ‘baby bump.’

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa aktres.

Hindi nagkaroon ng anak si Maricar sa dating asawang si Don Allado.

Hero Angeles muling bibida sa telebisyon

Muling magbabalik-telebisyon si Star Circle Quest Season 1 Winner Hero Angeles.

Bibigyang-buhay ni Hero ang isang transgender sa Mother’s Day special episode sa isang drama anthology show sa Kapamilya Network.

Makasasama ni Hero sa nasabing episode si Bugoy Cariño na gaganap naman bilang kanyang anak.

Ang nasabing episode ay ipalalabas sa Mayo 13.

Karla Estrada, naka-wheelchair dahil sa knee problem

Naka-wheelchair na nag-taping ng kanyang programa ang aktres at TV host na si Karla Estrada.

Ayon kay Karla, napinsala ang kanyang tuhod nang gulatin siya ng kanyang batang pamangkin.

Gayunman, itinuloy pa rin ni Karla ang kanyang programa para umano sa mga bagets na viewers dahil adventure sa isang marine theme park ang tema ng kanilang episode.

Matatandaang taong 2015 nang ibahagi ni Karla na may problema ang kanyang tuhod at kailangan na itong sumailalim sa isang operasyon.