Celtics nasungkit ang Game 3 vs Cavs sa ECF champion

Pinalasap ng Boston Celtics ang unang talo ng defending NBAChampion Cleveland Cavaliers sa game 3 ng Eastern Conference Finals sa score na 111-108.

Nanguna sa panalo ng Celtics si Avery Bradley sa kanyang 20 points at pinakawalang game-winning three-point shot.

Hindi rin nagpahuli si Marcus Smart sa playoff high 27 points nito.

Hindi naman sumapat ang 28 points ni Kyrie Irving at 29 points ni Kevin Love para sa Cavaliers.

Hawak pa rin ng Cavs ang 2-1 lead sa Best-of-Seven series kontra-Celtics.

Magaganap ang Game 4 sa Miyerkules sa home court pa rin ng Cavs.

Ginkings naghari kontra-Beermen 107-99

Tinalo ng Ginebra Ginkings ang San Miguel Beermen sa iskor na 107-99.

    Bumida sa panalo si Justin Brownlee na nagpakawala ng 34 na puntos, 12 rebounds at tatlong assists.

    Nagpakawala naman ng 20 puntos, anim na rebounds at walong assists si LA Tenorio.

    Mula unang quarter ay hindi binigyan ng Ginkings ang Beermen na makalamang.

    Dahil sa panalo ay pareho nang may anim na panalo at dalawang talo ang Ginebra at San Miguel.

Celtics nasungkit ang Game 3 vs Cavs sa ECF champion

Pinalasap ng Boston Celtics ang unang talo ng defending NBAChampion Cleveland Cavaliers sa game 3 ng Eastern Conference Finals sa score na 111-108.

Nanguna sa panalo ng Celtics si Avery Bradley sa kanyang 20 points at pinakawalang game-winning three-point shot.

Hindi rin nagpahuli si Marcus Smart sa playoff high 27 points nito.

Hindi naman sumapat ang 28 points ni Kyrie Irving at 29 points ni Kevin Love para sa Cavaliers.

Hawak pa rin ng Cavs ang 2-1 lead sa Best-of-Seven series kontra-Celtics.

Magaganap ang Game 4 sa Miyerkules sa home court pa rin ng Cavs.

Gilas kampeon sa 2017 SEABA Championship

Nagkampeon ang Gilas Pilipinas sa 2017 SEABA Championship matapos talunin ang Indonesia sa iskor na 97-64.

Nalasap ng Indonesia ang kaisa-isang talo samantalang nanatiling undefeated hanggang sa huli ang Gilas.

Dahil sa tagumpay, ang Gilas ang papasok para sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Lebanon sa buwan ng Agosto.

Nanguna sa laban nila sa Indonesia si Andrey Blatche na nakapagtala ng 21 points at 10 rebounds samantalang may 14 points, pitong rebounds at limang assists si Jayson Castro.

Gilas Pilipinas nahirapan sa panalo kontra-Thailand

Wagi ang Gilas Pilipinas sa laban kontra Thailand, 108-53, sa nagpapatuloy na 2017 SEABA Men’s Championship.

Nagpasabog si Japeth Aguilar ng tournament-high 23 points at limang rebounds samantalang 15 puntos naman ang pinakawalan ni Calvin Abueva at tig-11 points naman ang idinagdag nina Terrence Romeo at Andray Blatche.

Aminado naman si Gilas Coach Chot Reyes na nasubok ang koponan sa laban partikular sa unang quarter ng laro.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng Gilas.

Celtics nakuha ang 1st pick sa NBA Draft

Nakuha ng Boston Celtics ang 1st pick sa National Basketball Association (NBA) Lottery para sa 2017 NBA Draft na magaganap sa Hunyo 22.

Matatandaang nakipag-trade ang Brooklyn Nets sa Celtics noong 2013 kapalit nina Paul Pierce, Kevin Garnett at protected lottery pick na parehas na wala na sa koponan.

Pumapangalawa sa Celtics ang Los Angeles Lakers at ikatlo naman ang Philadelphia 76ers.

Inaabangan na kung sino ang magiging 1st overall pick sa pagitan nina Washington guard Markelle Fultz at UCLA Star Lonzo Ball.

Gaganapin sa Barclays Center sa Brooklyn, New York ang NBA Draft.

Warriors tinambakan ang Spurs sa Game 2 ng WCF

Nilampaso ng powerhouse team na Golden State Warriors (GSW) ang San Antonio Spurs sa Game 2 ng National Basketball Association (NBA) Western Conference Finals sa score na 136-100.

Nanguna sa opensa ng Warriors si two-time MVP Stephen Curry na kumamada ng 29 points samantalang nag-ambag ng 16 points si Kevin Durant.

Hindi naman sumapat ang 22 points ni Jonathan Simmons na pumalit sa injured na si Kawhi Leonard para maipanalo ang Spurs.

Hawak na ngayon ng Warriors ang 2-0 lead sa Best-of-Seven series kontra-Spurs.

Magaganap ang Game 3 sa Sabado sa balwarte ng Spurs.

Kampo ni Pacquiao ayaw maging kampante sa laban kontra-Horn

Ayaw magpakampante ng kampo ni Filipino world boxing champion Manny Pacquiao sa laban kontra kay Australian boxer Jeff Horn.

Ayon kay Buboy Fernandez, co-trainer at matalik na kaibigan ni Pacquiao, bagama’t lamang sila sa karanasan ay hindi madaling kalaban si Horn, lalo’t uhaw itong pabagsakin si Pacquiao.

Ganito rin ang paniniwala ng fighting senator kaya nga raw humiling siya na gawin sa Hulyo ang laban para magkaroon pa siya ng panahong makapaghanda.

Tiniyak naman ng Filipino boxing icon na hindi magbabago ang intensity ng kanyang laban kaysa sa mga nagdaan.

Spurs pasok na sa Western Conference Finals

Umabante na ang San Antonio Spurs sa National Basketball Association (NBA) Western Conference Finals.

Tinambakan ng Spurs ang Houston Rockets sa Game 6 ng semifinals sa score na 114-75.

Kinarga ni Lamarcus Aldridge ang Spurs na gumawa ng 34 points at 12 rebounds samantalang nag-ambag ng 18 points si Jonathan Simmons na pumalit sa injured na si Kawhi Leonard.

Naging matamlay ang performance ni Rockets star at MVP candidate James Harden na nakagawa lamang ng 10 points samantalang 20 points naman para kay Trevor Ariza.

Makasasagupa ng Spurs sa Western Conference Finals ang number 1 seed Golden State Warriors (GSW) na pinangungunahan nina two-time NBA MVP Stephen Curry at 2014 NBA MVP Kevin Durant.

Magaganap ang Game 1 sa Lunes, sa teritoryo ng Warriors.

Warriors, Spurs maghaharap sa WCF

Makahaharap ng San Antonio Spurs ang powerhouse team na Golden State Warriors (GSW) sa National Basketball Association -Western Conference Finals (WCF).

Ito ay matapos tambakan ng Spurs ang Houston Rockets sa Game 6 ng Western Conference Semifinals (WCS) sa score na 114-75.

Una nang umabante sa WCF ang Warriors matapos walisin sa unang dalawang round ang Portland Trail Blazers at Utah Jazz.

Puspusan naman ang ginagawang paghahanda nina two-time MVP Stephen Curry at 2014 MVP Kevin Durant para sa Warriors.

Ngayon lang ulit maghaharap ang dalawang koponan simula nang matalo ang Warriors sa Spurs noong 2013 sa semis.

Magsisisimula ang Game 1 sa Lunes sa home court ng Warriors