Bagong selyo ng lungsod ng Dagupan…, pormal ng ipinakita sa publiko.

Kasabay sa pagdiriwang ng 2011 Bangus Festival, pormal ng ipinakita sa publiko ang bagong selyo ng lungsod ng Dagupan.

Ito ay idinisenyo ni Carmelo John Vidal, residente ng poblacion oeste at Director of the Center for Integrated Extention Services at National Service Training Program Unit ng University Of Luzon.

Matatandaan na ang lumang selyo na may slogan na “sigue dagupan” ay dinisenyo ng yumaong arsobispo na si Mariano Madriaga.

Ayon kay Honorata Siapno, ang City Tourism Officer, ang lumang selyo ng Dagupan ay kailangang palitan na dahil hindi na ito na re-represinta ng lungsod bukod pa sa hindi ito naka-rehistro sa National Historical Institute.

Gayunpaman, sinabi ni Siapno na nanatili naman mula sa orihinal na selyo ang railway na nagpapakita ng posisyon ng siyudad, at ang pigura ng bangus na nagrere-prisenta ng pangunahing produkto ng Dagupan.

Speak Your Mind

*