Bagong Hepe ng Mapandan PNP…, Umupo na sa puwesto.

Umupo na ang bagong talagang hepe ng Mapandan Police na si Faustino Bandal Sr. mula sa himpilan ng PNP sa lungsod ng Urdaneta.

Pinalitan ni Bandal si Police Sr. Inspector Dominic Poblete na kasalukuyang sumasailalim ng examination sa lungsod ng Baguio para sa ma-qualify sa mas mataas na posisyon.

Kasabay Nito, bumuo na rin ng summer vacation team ang PNP Mapandan para mangalaga sa seguridad ng mga bakasyunistang dadagsa ngayong semana santa.

Maging ang Barangay Peace Action Action Team o BPATS ay umaalalay na rin sa kapulisan para sa mabantayan ang katahimikan at mapayapang pag-obserba ng semana santa.

 

 

Speak Your Mind

*