Labing siyam na naggagandahang dilag…, magtatagisan para sa Limgas ng Pangasinan.

Ipinakita na sa publiko sa ginanap na press presentation ang labing syam na kandedata sa “Limgas ng Pangasinan” na idaraos sa darating na ika-tatlumpo ng Abril sa ganap na ika-anim ng hapon sa Capitol Plaza, Lingayen, Pangasinan.

Kabilang sa mga opisyal na contestants ay sina Maria Regina Catayuran ng San Quintin, Yan Sardinas ng Sta. Maria, Manilyn Dizon ng Mangaldan, Aracelli Elizalde ng Urdaneta City, Maui Palisoc ng Urbiztondo, Whitney Sipayan ng Tayug, Maria Marjorie Antigua ng San Carlos City, Cristy Aregaspi ng Sual, Kramae Librado ng Pozzorubio, Janice Begonia ng Alaminos City, Rosvielentine Rosales ng Urdaneta City, Eorlene Pedeglorio ng Villasis, Lence Fantastico ng Infanta, Maria Cristina Sanchez ng Urdaneta City, Dianarra Cardozo ng Anda, Maria Benigna De Guzman ng Alaminos City, Charmaine Gamboa ng Lingayen, Leona Paula Santicruz ng Sta. Barbara at Katlyn Sable ng bayan ng Binmaley.

Kasabay nito, bukod sa magwawagi sa Limgas ng Pangasinan ay tatanggap din ng minor award ang mga kalahok bilang Miss Friendship, Best in Swimsuit, Miss Photogenic, Best in Evening Gown, Best in Talent at Best in Festival Costume.

Samantala, ang nasabing beauty pageant na bahagi ng pagdiriwang ng Pistay Dayat ngayong taon ay pinamumunuan ni Provincial Health Officer Anna Maria de Guzman

Speak Your Mind

*