Tax Exemption sa mga Pivate School sa Dagupan City…, isinusulong.

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang panukalang batas para magkaroon ng exemption sa pagbabayad ng buwis ang mga pribadong paaralan.

Ito ay base sa draft ordinance no. 0-445 na inihain ni City Councilor Alipio Fernandez.

Sinabi ni Fernandez na napakaimportante ang mga tungkuling ginagampanan ng mga private schools, na kung mabibigyan sila ng pagkakataon na kumita, ay maaari nila itong gamitin sa mas lalo pang pagpapaganda ang kanilang educational services.

Iginiit pa niFernandez na base sa konstitusyon nararapat lang na bigyan ng tax exemption ang mga private schools at sa katunayan ay mayroon ng mga Lungsod ang nagpapatupad nito.

Speak Your Mind

*