Dating Vice Mayor ng Asingan…, arestado ng pulisya dahil sa kasong syndicate estafa

Nasakote na ang itinuturing na most wanted person sa buong Region I na si dating Asingan Vice Mayor Mila Antonio na nahaharap sa kasong syndicated estafa.

Ayon kay Supt. Romeo Caramat, hepe ng Dagupan City PNP, apat na taon na itong pinaghahanap ng mga otoridad kung saan P90,000 ang patong sa ulo nito na inilaan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nahuli ang suspek matapos mamataan ng Inteligence Operatives ng Dagupan City PNP sa bahagi ng barangay Lucao, Dagupan City, habang nasa kasagsagan ng pagdiriwang ng “Kalutan ed Dalan” na bahagi ng Bangus Festival.

Matapos mapag-alaman ng kanyang mga biktima na ito ay nahuli, agad nagtungo ang mga ito sa himpilan ng pulisya at dito napag-alaman na umaabot sa P100M ang nakulimbat nitong pera.

Kasalukuyan nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Urdaneta ang suspek.

Speak Your Mind

*