Department of Health Regional Office.., inalerto ang mga City at Municipal Health Office sa lalawigan para inspeksyunin ang mga paaralan.

Ilang araw bago ang pasukan, inatasan na ng Department of Health Region I ang mga City at Municipal Health Office sa lalawigan ng Pangasinan na inspeksyunin ang mga paaralan sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Department of Health Regional Dir. Dr. Valeriano Lopez na layon nito na matiyak na mailayo ang mga bata at mga estudyante sa sakit na dengue.

Partikular na iniutos ni Lopez na tignan ang kalinisan sa  bawat silid aralan sa mga elementarya.

Una ng inihayag ni Lopez na tumaas ang kaso ng dengue na naitala sa lalawigan ng pangasinan at sa buong rehiyon uno.

Speak Your Mind

*