Financial Assistance para sa mga senior citizens sa Malasiqui.., pormal nang ipagkakaloob

Pormal ng ipagkakaloob sa mga Senior Citizen ng bayan ng Malasiqui, Pangasinan ang kanilang financial assistance na bahagi ng programa ng gobyerno na Senior Citizen Pension Program.

Sinabi ni Municipal Social Welfare and Development o MSWD Officer Amelia Tablad na bukas mayo a-dyes ay personal na dadaluhan ng mga kawani ng DSWD Regional Office ang pagkakaloob ng halagang tig-p1,500 sa mahigit isang daang senior citizen ng Malasiqui.

Ikinatuwa ni Tablad ang financial assistance na ito gobyernodahil malaking tulong umano ito sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Matatandaan na sa buong bansa, isa ang lalawigan ng Pangasinan sa inaprobahan ng gobyerno ng nasabing programa na isinagawa noong katapusan na marso sa lungsod ng Alaminos.

Speak Your Mind

*