Pagpapatayo ng kindergarten center sa Bunuan Gueset, suporta ni Mayor Benjie Lim sa k+12 program ng Deped.

Pinasinayaan ni Dagupan City Mayor Benjie Lim ang bagong Kindergarten Center sa North Central Elementary School na matatagpuan sa Barangay Bonuan Gueset.

Ito’y bilang suporta ni Mayor Lim sa bagong programa ng Deped na K +12.

Buong pusong pinasalamatan naman ni City Schools Division Superintendent Alma Ruby Torio ang ginawang gusali kasama na ang mga upuan at lamesa na gagamitin ng mga kindergarten.

Ipinaliwanag ni Torio ang K+12 proram ng Deped ay magsisimula sa kindergarten at lahat ng limang taong gulang na bata ay required na pumasok na sa paaralan simula buwan ng  Hunyo ngayong taon.

Susundan ito ng anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior o regular high school at dalawang taon pa para sa senior high school.

Ang mga estudyante sa senior high school ay mabibigyan sila ng ibat ibang career o livelihood courses kung saan pipili sila ng gusto nilang espesyalisasyon o mastery.

Speak Your Mind

*