Palarong Pambansa 2012, nais ng Provincial Government na ganapin sa Pangasinan.

Puntirya ng Provincial Government ng Pangasinan na dito sa lalawigan ganapin ang Palarong Pambansa 2012.

Sinabi ni Board Member Napoleon Fontellera ng unang distrito ng Pangasinan na ito’y matapos ihayag ni Gov. Amado Espino Jr. sa kanyang executive meeting sa Sangguniang Panlalawigan na nais niyang gawin ito sa lalawigan.

Kasabay nito, buo naman ang paniniwala ni Fontellera na may kakayahang maging host sa naturang palaro ang Pangasinan.

Dahil dito, magtutungo umano sa dagatan Zamboanga sina Board Member Danilo Uy, BM Ranjit Ramos Shahani, BM Jeremy Rosario, at  Provincial Administrator Raffy Baraan sa darating na sabado upang makipag-usap sa mga kinatawan ng palarong pambansa.

 

Speak Your Mind

*