Panganganak ng ina, dapat umanong planuhin ayon sa San Fabian Health Office.

Pinaalalahan ng Municipal Health Office ng bayan ng San Fabian, Pangasinan ang mga buntis na ina na dapat magkaroon ng pagpaplano sa panganganak upang maging ligtas ang sanggol na kanilang isisilang.

Sinabi ni Dr. Ireneo Garcia ang Municipal Health Officer ng San Fabian na kailangang malaman at planuhin ng magkabiyak kung saan manganganak, magkano ang gastos, sino ang magpapaanak, sino ang sasama, sino ang magbibigay ng dugo kung kinakailangan.

Mas nakabubuti aniyang habang maaga pa ay sumangguni din sa pinaka malapit na health center para malaman kung ano-ano pa ang dapat malamang paghandaan.

Iginiit ni Garcia na mas magiging ligtas ang mag-iina kung mapaghahandaan ang ganitong sitwasyon.

Speak Your Mind

*