Relasyon ng Sanguniang Panlalawigan at ni Gov. Espino.., hindi maaapektuhan ng isyu ng Jai Alai.

NANANATILING matatag at hindi maaapektuhan ang relasyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan at ni Governor Amado T. Espino dahil sa isyu ng operayon ng jail alai sa lalawigan.

Sinabi ni Board Member Von Mark Mendoza sa panayam ng dzrd sonshine radio na maituturing na healthy debate lang at pagsasabi ng sariling opinyon ang mga naging pahayag ni Boarb Member Alfonso Bince sa naturang  isyu.

Nilinaw din ni Mendoza na malabong mangyari na mahati ang Sangguniang Panlalawigan dahil sa lang sa isyu ng opersyon ng jai alai sa Pangasinan.

Matatandaan na umalma si Gov. Espino sa mga pasaring ni BM Bince na hindi umano nababahala ang gobernador sa operasyon ng jai alai sa Pangasinan matapos mabigyan ng permit ang Meridien Vista Gaming Corporation ng ibat ibang mayor sa lalawigan. – Lorraine Caparros

Speak Your Mind

*