Bangus Vendor sa Alaminos City, umaasang gaganda na ang bentahan sa susunod na araw

Umaasa ang mga nagtitinda ng mga isdang bangus sa Alaminos City, Pangasinan na gaganda na takbo ng bentahan sa kanilang lugar sa mga darating na mga araw.

Ito ay matapos na isagawa ng pamahalaang panglungsod ng Alaminos ang isang fishtival upang ipakita sa publiko na sariwa at hindi apektado ng fishkill ang mga bangus at tilapia sa kanilang lugar.

Una nang naging positibo, ang pagtanggap ng mga bisita at mga residente sa ginawang fishtival dahil kinulang pa ang libo-libong kilo ng bangus at tilapia na inani mula sa mga fishpen sa Alaminos at inihaw at pinag saluhan sa isang boodle fight.

Matatandaang nagkaroon ng fishkill sa bayan ng anda at bolinao kung saan malapit lang ito sa lungsod ng Alaminos dalawang linggo na ang nakakaraan kung kayat naging matumal ang bentahan ng produktong bangus

Speak Your Mind

*