Sunog sa lungsod ng Urdaneta, umabot sa mahigit dalawang daan ang pinsala.

Tinatayang aabot sa mahigit P200,000 ang halaga ng nasirang ari-arian sa nangyaring sunog sa kalye Sison sa lungsod ng Urdaneta dakong alas 3:00 kahapon ng hapon..

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinupok ng apoy ang limang kabahayan sa lungsod kung saan tumagal ng 15 minuto ang sunog na nagsimula sa bahay ng isang Albert Ignacio.

Kasabay nito, dalawa ang naiulat na sugatan kung saan nagtamo ito ng second degree burn sa katawan.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na naganap sa lungsod ng Urdaneta.

Speak Your Mind

*