Makeup classes sa mga eskuwelahan, dapat lamang umano ayon sa Deped Regional Office.

Nararapat lamang umano ang pagkakaroon ng makeup classes sa mga eskuwelahan na apektado ng suspensiyon ng klase dahil sa bagyo o baha.

Una na ng pinalagan ng ilang mga magulang at mga mag-aaral ang kautusan ng Deped na magpatawag ng makeup classes ng mga school principals para punan ang nawalang araw ng klase.

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni Bartolome Tenasa ang OIC-Deped Regional Office na hindi dapat maging dahilan ang suspensiyon ng klase dahil sa bagyo o baha para mawala ang araw sa pag-aaral ng estudyante.

Nabatid sa school calendar ngayon taon, kailangan 204 na araw nasa paaralan ang bata, kabilang dito ang 180 araw na tinuturuan sa loob ng classroom at 24 na araw para sa kanilang mga extra-curricular activities.

Speak Your Mind

*