Paglilinis sa sports sa bansa, ikinatuwa ng Deped Dagupan.

Ikinatuwa ng Deped Dagupan ang naging pahayag ng malakanyang na lilinisin ni Pangulong Benigni Noynoy Aquino ang hanay ng sports sa bansa.

Ito’y matapos na hindi suportahan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ang Philippine Dragon Boat Team na namamayagpag sa sinalihang kompetisyon sa Florida, USA.

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni Edilberto Abalos ang Education Program Supervisor / DRRM Focal Person ng Deped na dapat lang alisin ang pulitika dahil ito ang pumapatay sa sports sa Pilipinas.

Ayon pa kay Abalos ang ganitong asal ang sumisira at nakapag-papahina sa kakayahan ang mga manlalaro kung saan ito pa ang nagbigay karangalan sa bansa.

Idinagdag pa ni Abalos na mas kahanga-hanga ang Philippine Dragon Boat Team kumpara sa Philippine Football Team o mas kilala bilang Azkals dahil sila na bukod sa nagbigay sa karangalan sa bansa ay isang daan porsyentong dugong pinoy, at kitang-kitang ang sakripisyon sa mga ensayo dahil sa kawalan ng suporta mula sa gobyerno.

Speak Your Mind

*