Presyo ng gatas at harina sa lalawigan ng Pangasinan, bumaba.

Sa kabila ng babala ng Department of Trade and Industry o DTI na nanganganib na tumaas ang presyo ng de-latang sardinas, ilang produkto naman dito sa lalawigan ng Pangasinan ang bumaba ang presyo.

Kabilang na dito ang mga produktong gatas, harina at mga canned goods tulad ng lenchon meat at cdo.

Ayon kay Pangasinan DTI Product Specialist Marjorie Loresco, bumaba ng 25–50 sentabo ang mga nasabing produkto, katumbas ng 60-50 porsyento.

Sa panayam ng sonshneradio, sinabi ni Loresco na malaking epekto sa paggalaw ng presyo sa lokal na merkado ang pagbaba ng palitan ng piso kontra dolyar.

Samantala, kasabay sa pagbaba sa presyo ng gatas at harina, posibleng bumaba na rin ang aniya presyo ng mga tinapay kabilang na ang tasty at pandesal sa Pangasinan.

Ayon kay Loresco, na malaki ang ibinaba ng presyo ng harina kung saan mahigit sa P30 pesos ang ibinaba nito mula sa dating P930 bawat sako ngayon ay nasa P900 na lamang ito.

 

Speak Your Mind

*