Relief operation ng Provincial Government, nakahanda na sa mga apektadong lugar sa Pangasinan.

Nakahanda na umano Provincial Government ng Pangasinan para sa relief operation sa mga apektadong lugar sa lalawigan.

 

Ayon kay Avenix Arenas ang tagapagsalita ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC, ilang municipalidad na ang nag-request ng tulong mula sa probinsya kaya ipapadala nila ang Provincail Social Welfare and Development o PSWD sa lugar.

 

Samantala, nakabalik na aniya sa kani-kanilang tahanan ang mga residente na unang inilikas dahil sa pagtaas ng tubig dala ng bagyong mina sa ilang bayan sa lalawigan.

 

Kasabay nito, sinabi ni Arenas na patuloy na nakamonitor ang kanilang tanggapan upang magbigay ng assistance sa mga apaektadong lugar sa Pangasinan.

 

Nabatid na umaabot na sa mahigit sa dalawang libong ektaryang palayan sa Central Pangasinan ang sinira ng bagyong mina, habang kulang-kulang sa 378 ektarya ng palayan ang apektado naman sa Eastern Pangasinan.

 

 

Speak Your Mind

*