Senior Citizen Lane, hiniling ng mga lolo at lola sa lungsod ng Dagupan.

Umapela ang grupo ng mga Senior Citizen dito sa lungsod ng Dagupan sa pamahalaang panglungsod ng Dagupan sa ilalim ng pamumunno ni Mayor Benjamin Lim na magpatupad ng Senior Citizen’s Lane para sa matatanda.

Ayon kay Pepe Siapno ng Senior Citizens, kailangang maipatupad ang naaayon sa batas na paglalagay ng tamang lugar para sa mga Senior Citizen sa kanilang mga transaksyon sa mga pampubliko at pribadong lugar.

Dagdag pa ni Siapno na halos lahat ng malalaking pamilihan, botika at ilan pang mga istablisimiento dito sa lungsod ay walang nakatalagang lugar sa kanila lalo na sa mga pagbabayad nila ng mga bills.

Dahil dito, nangako naman si Mayor Lim na kaagad niyang aaksiyunan ang naturang kahilingan ng mga senior citizens.

Speak Your Mind

*