DSWD Region 1, patuloy ang programa para sa mga kababaihan

Patuloy ang pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, sa mga kababaihan maging sa mga batang babae na biktima din ng iba’t-ibang klaseng pang-aabuso sa kanilang mga kabahayan o komunidad.

Layunin ng program na mabigyang solusyon ang problema ng mga kababaihan at manumbalik ang kanilang normal na kakayahan o katungkulan.

Ayon kay DSWD Information Officer Iryn De Los Reyes, ang Haven for Women ay nakapagtala na ng 31 kababaihan kabilang na ang kanilang dependents na nabigyan ng lunas habang sa home for girls ay may 41 batang babae din.

Ang haven for women at home for girls ay ang dalawang pantahanang pasilidad ng DSWD Region 1 na siyang nangangasiwa sa mga babaeng biktima ng pangmamaltrato o pang-aabuso na kung saan sari-saring serbisyo ang inilalaan sa kanila. (Benjie Lagazo – Dzrd Newscenter)

Speak Your Mind

*