Mga isyu ng k+12 program ng Deped, pinag-usapan sa Education Summit dito sa lungsod ng Dagupan.

Isinagawa dito sa lungsod ng Dagupan ang Education Summit sa Lyceum-Northwestern University, kaugnay sa ipapatupad na k+12 program ng Department of Education, na dinaluhan ng mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan sa Region 1, 2, 3, at ang Cordillera Administrative Region.

Itinampok ni Deped Secretary Armin Luistro sa nasabing summit ang mga importanteng isyu kagaya ng pagre-require sa mga bata na sumailaim sa kindergarten, paggamit ng local language bilang medium of instruction para sa unang tatlong taon sa elementarya, at ang skills improvement training para sa huling dalawang taon sa high school.

Layunin ng k+12 na maiangat ang standard ng edukasyon sa bansa kung saan tinututukan ang mga pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral sa halip na i-adapt ang curriculum, at bibigyan ng pansin ang mga advances sa technology at modern teaching methods.

Benjie Lagazo – (DZRD News Center)

Speak Your Mind

*