Bagong Satellite Office ng Ombudsman, binuksan sa bayan ng Rosales, Pangasinan

Binuksan na kahapon ang bagong Regional or Satellite Office  ng Ombudsman sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Ayon kay Assistant Ombudsman and Spokesperson Atty. Asryman Rafanan, ang pagbubukas ng bagong tanggapan ay isang daan upang maipaabot ang kanilang mas mabilis serbisyo sa mga mamamayan ng Hilagang Luzon

Isa rin aniya itong paraan para maiwasan ang kurapsyon sa gobyerno.

Ang bagong tanggapan ay matatagpuan sa Barangay Carmay East, Rosales Pangasinan at responsable ito na imbestigahan ang mga opisyal sa gobyerno na naakusahan ng ibat ibang krimen at dito rin tinatanggap ang mga reklamo ng taongbayan.

(Benjie Lagazo – dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*