Brigada Eskwela sa lungsod ng Dagupan, matagumpay

Masayang ipinahayag ng City Schools Division ng Dagupan ang matagumpay na pagsasagawa ng sa unang araw ng Brigada Eskwela sa mga pampublikong ng paaralan ng lungsod.

Sinabi ni Dr. Alma Ruby Torio, ang Division Superintendent, maraming guro at mimyembro ng kumunidad ang sumali sa itinakdang isang linggong paglilinis simula noong Lunes at magtatapos ngayong araw ng Biyernes,

Sinabi ni Torio na layuning nitong ihanda ang mga classrooms sa pagsisimula ng klase ng mga mag-aaral sa darating na Hunyo a-kwatro.

Sinisiguro ng City Schools Division na maisasaayos ang mga sirang upuan, mesa, bintana at maging ang pagpipintura sa mga gusali.

Tinitiyak ni Torio na may sapat na libro ang mga mag-aaral base sa  order at report  ng mga school heads at principal sa bawat paaralan. Naglaan na rin umano ng buffer supply ng libro kung sakali mang kailangan pa ng karagdagang textbooks.

(Benjie Lagazo – dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*