Cash Incentives, naghihintay para sa mga mananalong atleta ng palarong pambansa sa Western Visayas.

Naghihintay ang mga Cash Incentives para sa mga atleta mula sa Western Visayas na makakuha ng medalya sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Pangasinan.

Ito ang tiniyak ni Negros Occidental Gov. Alfredo Marañon na personal na tumungo dito sa Pangasinan sa layuning i-lobby ang pag-host ng lalawigan sa Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Nilinaw ni Maranion na kahit saang lalawigan nagmula ang atleta na kasama sa delegasyon ng Western Visayas, ito ay makakatanggap ng Cash Incentives at binubuo ito ng mga lalawigan ng Negros Occidental, Iloilo, Antique, Capiz, Kalibo at Guimaras.

Ayon sa Gobernador ang Individual Medalist ay makakatanggap ng P10, 000 para sa Gold; P5, 000 para sa Silver at P3, 000 para sa Bronze Medals at sa Team Events, ang Gold Medalists ay makakatanggap ng P50,000; P30,000 para sa Silver at P20, 000 para sa Bronze. (Benjie Lagazo – DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*