Dalawang record breaker sa athletics, naitala sa Palarong Pambansa 2012

Mas magaling umano ang mga atleta ngayong taon kung saan dalawang atleta ang nagtala ng bagong record sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa lalawigan ng Pangasinan.

Binasag ni Angelica de Josef sa 800 meter run athletics na nagtapos sa oras na 2 mins 18 secs, mas mabilis sa naunang record ng Western Visayas noong nakaraang taon na 2:21 na nakuha naman ni Joniza Mie Sustituedo.

Sumunod namang record breaker si Maureen Joy Schrijver sa high jump na nakapagtala ng 1.62 meter jump sa sekondarya. Nahigitan niya ang rekord ni Marie Felice Ellega na mula naman sa Cordillera Administrative Region (CAR) noon pang taong 2008.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pamamayagpag ng NCR sa point rankings na nakapagtala na ng 400 points at medal na 24 gold, 8 silver, 19 bronze, habang ang Calabarzon naman ay mayroon na ring 198 points na katumbas ng 8 gold, 11 silver, 4 bronze, samantalang ang Western Visayas naman ay may 183 points na meron ng 12 gold, 8 silver, 6 bronze.

Speak Your Mind

*