Massive Chlorination Inspection, isasagawa ng Provincial Health Office sa mga paaralan ng Pangasinan.

Magsasagawa ng Massive Cholorination Inspection ang Provincial Health Office (PHO) sa ilang mga paaralan sa lalawigan ng Pangasinan.

Layunin ng PHO na masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante lalo na sa pag-uumpisa ng klase ng mga mag-aaral.

Unang tinungo ng PHO ay ang mga malalaking paaralan sa bayan ng Lingayen upang malaman kung malinis ba ang mga ibinebentang pagkain partikular na ang iniinom ng mga estudyante na tubig.

Dahil naman sa dami ng paaralan sa lalawigan, nagbigay na lamang ng direktiba ang PHO sa lahat ng Municipal Health Office na i-monitor ang mga paaralan na kanilang nasasakupan. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*