Mga pasilidad na ginamit ng Palarong Pambansa 2012, pormal nang ibinigay sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinirmahan na ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng sangguniang panlalawigan ng Pangasinan at ng Department of Education (Deped) na nagbibigay sa lalawigan ng mga ginamit na sports facilities sa ginanap na Palarong Pambansa 2012.

Pinangunahan nina Governor Amado T. Espino Jr, at Atty. Verna Perez, ang tumayong chairman ng secretariat ng Palarong Pambansa 2012 at ng ilang miyembro ng sangguniang panlalawigan ang pagpirma sa nasabing MOA.

Sinabi ni Perez, na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na mabigyan ng ganitong oportunidad.

Sa naturang MOA, nakasaad na ibibigay sa lalawigan ng Pangasinan ang mga ginamit na pasilidad at sports equipment sa lalawigan na ginamit noong palarong pambansa. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*