NCR, nangunguna sa medal tally at point ranking ng Palarong Pambansa 2012

Muling namayagpag ang National Capital Region (NCR), sa umiinit na labanan sa Palarong Pambansa 2012 sa lalawigan ng Pangasinan.

Nasa ikalawang puwesto ang Region 4-a, pangatlo ang Region 6, pang-apat ang Region 7, panglima ang Region 12 at pang-anim ang Region 3.

Sa ngayon ang NCR ay mayroon ng 24 gold, 8 silver at 16 bronze habang ang Western Visayas naman ay may 9 gold, 6 silver at 5 bronze, sumunod ang Calabarzon na may 8 golds, 11 silver at 3 bronze.

Ang Central Visayas naman ay mayroong 3 golds, 3 silver at 6 bronze; cagayan valley na may 1 gold, 1 silver at 1 bronze, Ilocos Region na nakasungkit ng 1 gold, 1 bronze; ang Central Luzon ay mayroon ng 7 silver, 2 bronze; ang Bicol 1 gold; at ang cotabato, 1 gold, 4 silver at 4 bronze.

Habang ang Caraga ay meron lamang isang silver, Northern Mindanao 1 gold , 2 silver, 2 bronze at Davao na may tanging 1 bronze. ( Benjie Lagazo – dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*