Programang pangkalusugan, prayoridad sa bayan ng Pozurrubio

Namahagi ng libreng gamot at bitamina ang pamahalaang lokal ng Pozurrubio bilang bahagi ng kanilang programang pangkalusugan.

Ayon kay Mayor Artimio Chan, naglaan ng pondo ang Sangguniang Bayan para mapondohan na naturang programa dahil ito ay isa sa mga pangunahing idinadaing ng kanyang mga Constituents.

Prayoridad namang nabiyayaan ang mga batang sanggol na mula sa mga mahihirap na pamilya batay na rin sa mga kahilingang halos araw-araw na natatanggap sa opisina ng Alkalde.

Samantala, kabilang din sa programa ng bayan ng Puzurrio ang malinis na kapaligiran kung saan ginagamit na rin nila ang Engineered Sanitary Landfill sa lungsod ng Urdaneta. (Allan Tigulo – DZRD Reporter)

Speak Your Mind

*