BM Arcinue, nagpasaklolo sa Sanguniang Panlalawigan upang mapigilan ang Scam na nangbibiktima ng mga SK Chairman.

Humingi na ng saklolo sa Sanguniang Panlalawigan si Pangasinan SK Federation President John Christopher Arcinue upang ipaalam at mapigilan ang SCAM na nangbibiktima ng ilang mga SK Chairman sa unang distrito ng lalawigan.

Ayon kay Arcinue, ang modos opirandi ng nagpapanggap na Sk President ay e-tetext ang mga SK Chairman na may  seminar na kinakailangang daluhan ng mga SK Chairman at kinakailangang mag bayad ng registratiion fee.

Ang naturang registratioin fee naman ay ipadadala umano sa smart padala at doon na kukunin ng suspek ang pera gamit ang confirmation number na ibinigay din ng sk chairman sa pamamagitan ng text.

Ayon pa kay arcinue, alam ng suspek ang pangalan ng mga sk chairman maging ang personal number at kanilang natitirang pondo.

Unang nabiktima ang SK ng bayan ng Agno ng 23,000 pesos, ng Bolinao ng 10,000, Alaminos ng 8,000 at Sk Chairman ng Bani ng 4,400 pesos.

Humihingi na rin si BM Arcinue sa Philippine National Police (Pnp) National Beauru of Investigation (NBI) National Telecommunications (NTC) at Smart ng tulong upang mahuli ang nangbibiktima ng mga SK Chairman.

Speak Your Mind

*