Campus Security Seminar, isinagawa dito sa lungsod ng Dagupan

Isinagawa kamakailan ang campus security seminar & workshop dito sa lungsod ng Dagupan na pinangunahan ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez at Dr. Alma Ruby Torio, ang City Schools Division Superintendent ng lungsod.

Isa-isang tinalakay ni Enrico De Guzman, Director ng Campus Security Management of the Philippines ang tungkol sa mga campus threats kung saan detalyadong nalaman ng mga kalahok ang mga pamamaraan upang makaiwas sa kaguluhan.

Isinalaysay din ni P/Supt. Harris Fama, dating hepe ng Pulisya dito sa Pangasinan at ngayon ay Acting Chief ng Information and Communication Development Division sa Camp Crame, ang Campus Security Operation kung saan dapat maging istrikto at mapanuri sa lahat ng dinadala ng mga mag-aaral lalo na sa mga bisita o sa mga taong walang kaugnayan sa paaralan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*