Deped Officials…., pinapaharap sa Sanguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Ipatatawag sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang lahat ng District Supervisors, at City superindentdent ng Department of Education (Deped) dito sa lalawigan ng Pangasinan sa darating na Lunes, Hunyo a onse.

Ayon kay 4th District Boardmember Jeremy Rosario, nais umanong alamin ng Sangunian ang huling kalagayan ng programa ng Deped laban sa dengue at upang magkaroon ng mas malinaw na kaalaman sa k to 12 program.

Ayon pa kay Rosario, hindi nawawala ang banta ng dengue lalo na’t tag-ulan na at marami ang mga nababahang mga paaralan.

Nais din umano ni Rosario bilang Chairman ng Committee on Education na tanungin sa mga opisyal ng Deped kung bakit sa kabila ng miyung-milyong pondo ng Deped sa nakaraang Palaraong Pambansa ay may mga nagrereklamo na nangulekta pa rin ang mga teachers ng dagdag pondo mula sa mga pribadong individual. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*