Programang pag-agrikultura, patuloy na isinasagawa sa bayan ng Malasiqui

Patuloy ang isinasagawang “Farmers’ Field School o FFS” sa barangay Malimpuec sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Pinangunahan ito ni Mayor Armando Domantay sa pamamagitan ni Precilla Cabatbat, ang Municipal Agriculturist ng bayan.

Ang nasabing programa ay aktibong ipinapatupad ng Agriculture Training Institute o ATI ng Department of Agriculture Regional Office.

Inaasahang maisasagawa din ang apat na buwang pag-aaral ng FFS sa barangay Binalay, Malasiqui sa darating na Hunyo a-26 kung saan layunin ng programang ito na mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka upang magkaroon ng magandang ani. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*