249 bagong pulis sa Rehiyon Uno, pormal nang nanumpa.

Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang 249 bagong pulis sa harap mismo ni Police Chief Supt. Franklin Jesus B. Bucayu, ang Region 1 Police Director.

Ayon kay Police Senior Superintendent Reynaldo Biay, head ng Personnel and Human Resource Development Division, sa 249 na bagong recruits ay binubuo ng 204 na mga lalaki at 45 na mga babae na nanggaling pa sa ibat ibang probinsya ng rehiyon uno.

Sinabi pa ni Biay na ang 147 recruits ay nabuo sa pamamagitan ng 2012 PO1 Regular Recruitment Program habang ang 102 naman dito ay sa pamamagitan ng 2012 PO1 Attrition Recruitment Program.

Paalala naman ni Bucayu sa mga bagong recruits na maging laging handa 24/7 para mapanatili ang kapayapaan ng kanilang nasasakupan.

Samantala ang naturang bagong kasapi ng kapulisan ay sasabak sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) at Field Training Program (FTP). (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*