Dagupan PNP, nasungkit ang Best Police-Community Relations Program Implementor sa buong bansa

Nasungkit ng Dagupan City Police Station ang Best Police-Community Relations Program Implementor sa buong bansa kasabay sa selebrasyon ng ika-17th Police-Community Relations Month ngayong taon.

Matatandaan na una ng pinarangalan ang Dagupan City Police Station bilang best PCR-City, Provincial, Regional Police Office Level at ngayon ay Best PCR of the year sa National Level.

Huli ring nasungkit ng Dagupan Police ang Best PCR noong 2006, kung saan malaking tulong umano ang kanilang programang “pulis mo, ka-txt mo, kung may krimen i-report mo at batang mahirap edukasyon mo sagot ko.”

Inihayag naman ni P/Supt. Romeo Caramat, ang Chief of Police ng Dagupan City na malaking bagay na mapagtagumpayan ang partisipasyon ng komunidad upang mapalakas ang Crime Prevention Program ng PNP.

Umaasa naman si Caramat na magtuloy-tuloy ang suporta ng kumunidad para tuluyan nang masugpo ang krimen at iba pang masamang elemento sa lungsod. (dzrd news)

 

Speak Your Mind

*