Federation of Senior Citizens sa Dagupan, umapela ng patas na pagtrato

Umapela sa lokal na Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan ang pangulo ng Federation of Senior Citizens of the Philippines-Dagupan Chapter na aksyunan ang hindi pagtalima sa Expanded Senior Citizens Act of 2012 ang ilang establisyemento sa lungsod.

Ayon kay atty. Cornelia Español, hindi maganda ang karanasan ng mga senior citizen sa Region 1 Medical Center (R1MC) dahil pinagbayad nang buo ang dating pangulo ng Barangay Senior Citizen Association, sa halip na pagkalooban ng 20 porsiyentong diskuwento

Idinagdag pa ni Español na ang St. Joseph Drugstore naman ay hindi nagbebenta at sasabihing walang stock kung senior citizen ang bibili.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng City Government sa mga senior citizen na gagawan ng paraan na matugunan ang nasabing problema. (dzrd news)

 

Speak Your Mind

*