Klase sa elementary at sekondarya sa Dagupan City at buong Pangasinan, suspendido ngayong araw.

Suspendido ngayong araw ang klase ng mga mag-aaral sa elementary at sekondarya sa buong Pangasinan at lungsod ng Dagupan.

Idineklara ni Pangasinan Govenor Amado T. Espino Jr., ang suspensyon ng klase simula pa ala-una lunes ng hapon sa lahat ng pre-school, elementary at high school at hanggang ngayong araw dahil sa lubog parin sa tubig baha ang ilang lugar sa lalawigan.

Kasabay nito, nagbigay na rin ng direktiba si Dagupan City Mayor Benjie Lim kaugnay sa suspensyon ng klase sa parehong mga antas dahil karamihan sa mga eskwelan ng lungsod ay lubog sa baha na dulot ng malakas na pag-ulan at sinabayan pa ng high tide.

Batay sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), labing tatlong barangay at limang eskwelahan ang nalubog sa tubig baha sa lungsod.

Umaabot umano sa walong pulgada ang taas ng tubig sa barangay Mayombo sa sitio insider at sitio kamanggaan. Nasa anim na pulgada naman ang taas ng tubig sa mga barangay ng Poblacion Oeste, Lucao, Barangay 2 & 3 at  Bonuan Gueset.

Kasama din sa binahang ang mga barangay ng Tapuac, Herrero-Perez, Pantal, Barangay 1, Pogo Chico, Malued at Carael.

Lubog din sa baha ang Bacayao Sur Elementary School (3 inches); East central Integrated School (6 inches), Pantal Elementary School (8 inches); Juan P. Guadiz (2 inches) at Pogo-Lasip Elementary School (4 inches). (dzrd news)

Speak Your Mind

*