New package benefit ng Philhealth, inilunsad

Inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation Region 1 Office dito sa Tapuac District Dagupan City ang kanilang bagong programa na Case Type Z Package Benefit.

Ang Case Type Z Pacakge ay isang benefits para sa mga may karamdamang Acute Lymphocytic Leukemia na may package rate na 210,000, Breast Cancer na may package rate na 100,000, Prostate Cancer na may package rate na 100,000 at Kidney Transplant na may package rate na 600,000.

Ayon kay Dr. Maricar Arzadon, Division Chief on Health Care Delivery Management ang bagong binipisyo ng Philhealth ay makatulong para sa mga pamilya na eligible members at ang kani kanilang mga qualified dependents.

Paglilinaw naman ni Arzadon na tanging sa Accredited Philhealth Hospital lamang pwedeng ma-avial ang nasabing package kung saan ang mga ospital na ito ay may kakayahan o may competent manpower at diagnostic tools para masiguro ang kalagayan ng pasyenteng may nabanggit na sakit.

Nabatid na sa Region 1, ang mga accredited hospital ng Philhealth ay Ilocos Training and Regional Medical Center sa La Union at Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac, Ilocos Norte.

Dagdag pa ni Arzadon pag may mga pasyente na eiligible philhealth members o qualified depende na mas pinili mamalagi sa non-accredited ospital ay makaka avail pa rin nito, bagamat sa limitadong supportang pinansyal lamang.

Ang nasabing benefits ay may kaukulang “no balance billing policy” para sa mga sponsored patient member, ibig sabihin walang ibang babayaran sa kabuuang pagpapagamot nito. Para naman sa non-sponsored members o regular member makaka avail pa rin ito sa initakdang binipisyo ng case type z benefit na nabanggit natin kanina. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*