Reorganization sa mga komite ng Dagupan City Council, sinuportahan ni Vice Mayor Belen Fernandez

Nagpahayag ng pagsuporta si Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez sa nangyaring reorganization sa mga komite ng sangguniang panlungsod ng Dagupan.

Sa isinagawang regular session kahapon, sinabi ni Vice Mayor Fernandez sa kanyang privilege speech, na sinusuportahan niya ang pagbabagong naganap sa konseho at handa siyang tumulong kung siya ay kinakailangan.

Sinabi ni Fernandez na kanyang ipagpapatuloy ang nasimulang adbokasiya ni Pangulong Aquino sa pagtahak sa tuwid na daan at ipaglaban kung ano ang tama para sa Dagupenyo. (dzrd news)

Speak Your Mind

*