Satellite Office ng Police Anti-Kidnapping Group, itatayo sa Dagupan

Pormal nang pinirmahan ang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaang Panlungsod ng Dagupan sa pamumuno ni Mayor Benjamin Saplan Lim at ng National Headquarters PNP Police Anti Kidnapping Group Dir. Police Senior Superintendent Atty. Isagani R. Nerez ang paglalagay ng Satellite Office ng Police Anti Kidnapping Group sa lungsod.

Ayon kay Mayor Lim, aayusin ang lamang ang lumang opisina ng PNP Dagupan sa Brgy. Herrero Perez bilang permanenteng Satellite Office ng naturang sangay ng kapulisan.

Sinabi pa ni Lim, na ipapagamit ang naturang gusali ng walang sisingilin sa ahensya gaya umano sa ginawa ng lungsod sa iba pang ahensya ng gobyerno na naka base dito sa Dagupan.

Ang Police Anti Kidnapping Group (PAKG) ay isang grupo ng ating mga kapulisan na sumusugpo sa mga kidnapping syndicates na nambibiktima ng mga mayayamang angkan o indibidwal at humihingi ng ransom para pantubos sa mga binibiktima

Matatandaang nagkaroon rin ng insidente ng kidnapping dito sa syudad noong kaka upo lamang ni Mayor Lim kaya ganito na rin kalaki ang kanyang suporta sa naturang ahensya. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*