Simultaenous earthquake drill sa Dagupan, pasado ayon sa Region 1 Office of the Civil Defense

Pasado ang isinagawang simultaenous earthquake drill ng Dagupan City Government sa mga private at public schools kahapon kasabay sa paggugunita sa ika-22 taong 7.8 magnitude na lindol na tumama sa syudad.

Binigyan ng gradong 8-9 out 10, ni Ms. Imelda Castro ng Office of the Civil Defense Region 1 kung saan malayo na diumano ang pagkakaiba nang sinimulang earthquake drill tatlong taon nang nakakaraan.

Particular na tinututukan sa earthquake drill ang eskwelahan na may mga children with disabbilities, kasama dito ang mga guro, mga magulang at kapwa mag aaral.

Hinati sa anim na cluster ang simultaneous earthquake drill sa mga ibat ibang identified area. At matapos ang isinagawang drill, nag karoon ito ng evaluators forum na isinagawa sa BSL Hall, Deped na kung saan lahat na mga participating agency ay isa isang tinalakay ang mga bagay na dapat pang i-improve lalung lalo na sa mga daraanan ng mga nag sisipaglikas na mga estudyante.

Samantala, dumalo sa evaluation ang Chairman ng CDRRMC na si Mayor Benjie Lim na personal na tinututukan ang drill partikular sa Dagupan City National High School, mga kinatawan ng Deped sa pamumuno ni Deped Superintendent Dr. Alma Rudy c. Torio.  Mga tauhan ng CDRRMC, rescue units, Panda, DOH atbp. (Jimrey Biosa – dzrd news)

Speak Your Mind

*