Binmaley at ilang barangay ng Lingayen, walang kuryente ngayong araw

Mawawala ang daloy ng kuryente ngayong araw ng miyerkules aug 15, mula alas diyed ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Apektado ng nakatakdang power interruption ang buong bayan ng Binmaley at ilang bahagi ng bayan ng Lingayen partikular na ang mga barangay ng Matalava East/West, Dulag, Tumbar, Naguelguel, Namolan East/West, Basing, Aliwekwek, Quibaol, Wawa, Lasip at Brgy. Rosario.

Ayon kay Rodrigo Corpus, ang Officer in Charge ng Cenpelco,  ang sanhi ng power interruption ay dahil sa gagawin nilang preventive maintenance activities sa mga nabanggit na lugar.

Pinapayuhan ang mga Cenpelco Member-Consumers sa mga apektadong lugar na gawin ang kaukulang pag-iingat at paghahanda. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*