Daily counseling kaugnay sa family planning, patuloy na isinasagawa sa Dagupan

Hinimok ni Dagupan City Mayor Benjie Lim ang lahat ng magulang na maging responsable sa kanilang mga anak kung saan ang bilang ng mga anak ay dapat sinusukat sa kakayahan ng isang pamilya na mapangalagaan at mabigyan ng magandang kinabukasan.

Ito ang mensahe ni Mayor Lim sa naganap na simpleng seremonya sa pagdiriwang ng Family Planning Month nitong buwan ng Agosto na naganap sa City Plaza, na may temang “reponsableng pamilya, buhay ay giginhawa.”

Naging batayan naman ni Lim ang pilosopiyang pina-iiral sa mundo ng advertising na “less is more” dahil kung mas konti ang palalakihing mga bata, mas mapapalaki ito ng maayos.

Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ng daily counseling sa mga barangay ang City Population Office sa pangunguna ni Alex De Venecia, kung saan itinuturo ang responsible parenthood, family planning, birth spacing, respect to life, livelihood at financial responsibility. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*