Pagsuspende ng mga klase sa lungsod ng Dagupan, wala umanong naging pagkukulang

Binigyang linaw ni Dagupan City Administrator Vladimir Mata ang isyu hingil sa pagsususpende ng klase kapag masama ang panahon sa lungsod.

Ito ay matapos magkaroon ng kalituhan sa panig ng mga magulang maging sa mag-aaral kung sino ang may kapangyarihan na magsuspinde ng klase.

Ayon kay Mata, batay sa Executive Order No.66 ng Pangulong Noynoy Aquino III may kapangyarihan na ang mga LGU’S na mag suspende ng klase sa kanilang nasasakupan.

Sinabi pa ni Mata na ayon din sa Department Order No. 43 ng Deped, may kapangyarihan rin na magsuspende localized ang mga school principal ngunit kinakailangan na may coordination sa school superindendent.

Hindi rin aniya nagkulang ang Deped kung saan gabi palang o bago mag alas-kwatro ng umaga ay nag-aanunsyo na para hindi na lumabas ng bahay ang mag-aaral para lang pumasok sa eskwelahan. (dzrd news)

Speak Your Mind

*