Pagtuturo gamit ang katutubong wika, higit na nakatutulong sa mga mag-aaral ng Dagupan

Nakatutulong ngayon sa lungsod ng Dagupan ang pagtuturo gamit ang katutubong wika upang matuto pa ng ibang wika.

Sinabi ni Renato Santillan, isang guro sa Dagupan City National High School,  na mas madaling natututo ng ibang wika ang mga mag-aaral, bukod pa sa ibang mga asignatura, kung ginagamit ang katutubong wika sa pagtuturo.

Ang positibong resulta para sa mga mag-aaral ay nagbunsod sa Deped upang ipatupad ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) kung saan hinikayat ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo mula kindergarten hanggang sa ikatlong baitang.

Ang MTBMLE ang isa sa pinakamalaking pagbabago sa edukasyon sa bansa mula nang ipinatupad ang K-12 nitong taon.

Ayon pa kay Education Supervisor William Macob, makatutulong din ang paggamit ng katutubong wika sa epektibong pagtuturo ng kagandahang asal. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*