Susunod na Chief of Police ng Dagupan, sasalain

Sasalang umano sa masusing pagsusuri ang susunod na hepe ng pulis sa lungsod ng Dagupan batay sa kanyang mga qualifications.

Pero nilinaw ni Mayor Benjie Lim na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa siyang natatanggap na listahan mula sa pamunuan ng PNP kung saan nakalagay ang pangalan ng mga pagpipilian ni Lim na papalit kay P/Supt. Romeo Caramat Jr.

Ayon pa kay Mayor Lim magandang oportunidad ito para ma-interview niya ang bawat aspirant, malaman ang kanilang background, ma-check ang kanilang credentials, kung paano nila nagampanan ang kanilang tungkulin noong sila ay na-assign sa ibang lgu’s, kung gaano sila kasigasig sa kanilang level of performance at sa kanilang reliability.

 Sa kasalukuyan, dalawa pa lamang sa mga nasasabing posibleng aspirante ang nakapagbigay ng kanilang credentials kay Lim subali’t hindi pa niya pinapangalanan kung sino ang mga ito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*