Livelihood Assistance Project ng DSWD sa bayan ng Anda, umuusbong na

Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang taong gulang na kooperatiba sa bayan ng Anda, Pangasinan.

Ito ay matapos na tumulong ang Anda Klap Organization (Ako) Cooperative  sa mga naging biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng kanilang lending facility at mini grocery.

Matatandaan na noong 2009 ay nagbigay ang DSWD sa pamamagitan ng kanilang Self Employment Assistance kaunlaran program sa mahigit isang libo at limang daang biktima ng kalamidad ng halagang P7.5 million livelihood assistance para matulungang makabangon at makapagsimula ng maliit na negosyo.

Ayon kay Iryn Q. de los Reyes, ang Information Officer II ng DSWD, base sa kanilang talaan, ang mga miembro ng Anda Klap Organization ay naging maganda at maayos ang pagbabayad sa kanilang hiniram sa koopoeratiba kung saan ang P7.5m ay lumago na at ngayon ay naging P13.7m na ang capital exposure sa taong 2012. (dzrd news)

Speak Your Mind

*