Green Project ng bayan ng Laoac, sisimulan na sa susunod na taon

Masayang ibinalita ni Laoac Mayor Silverio Alarcio Jr. ng bayan ng Laoac, Pangasinan na sisimulan na sa susunod na taon ang isang proyekto na mangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.

Ayon kay Mayor Alarcio, layunin ng Green Project na matawag ang kanilang bayan na isang luntiang lugar dahil sa mga punong tutubo sa paligid at magagamit din ito ng mga susunod pang henerasyon.

Sa pamamagitan din aniya ng proyekto ay makaiiwas ang bayan sa matinding polusyon na ngayo’y sobrang init ng panahon at panangga na rin sa mga susunod pang tag-init.

Ang naging hangarin umano ni Alarcio ay magsisilbing inspirasyon sa mga mamamayan nito dahil sa pag-oorganisa ng isang makabuluhang programa para sa naturang bayan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*